Tagalog

Misyon

Ang pinakamimithi ng organisyong ito ay magbigay ng nakakabagay na supporta at pagbibigay ng “counseling services ” sa lahat na mga babae kalakip na ang mga ipina-nga-nak sa labas ng bansang Hapon,
upang maitaguyod ang kanilang pansariling kalakasan at pagkilala sa sarili upang maging masaya at mapayapa ang kanilang ini-ikotang lipunan.

Kasaysayan

Taong 1991 ng Mayo, nang ang isang dayuhang samahan ng suporta sa prepektura ng Kanagawa ay nakatanggap ng isang sulat na ipinadala sa fax mula sa Thailand na humihiling ng tulong para sa sa isang babaeng taga-Thai na kinalakal at sapilitang ipinasok sa isang night bar (aliwang panggabi) sa Hilagang-Kanto na pook ng Japan. Sa tulong ng isang lokal na grupo , siya ay nasagip mula sa bar at binigyan ng tulong upang makabalik sa kanyang sariling bansa nang ligtas. Matapos ang insidenteng ito, apat na grupo ng mga dayuhang sumusuporta sa prepektura ng Kanagawa ang nagtipon-tipong mag-isip ng mapagkukunan upang makapagtatag ng isang kanlungan para sa mga kababaihang nasyonal na dayuhan. Sa kabutihang-loob sa pakikipagtulungan ng mga lokal, ang kanlungan para sa mga kababaihan na “SAALAA” ay itinatag noong Setyembre, 1992.

Mga Serbisyo

Tirahan

Kapag ang mga dayuhang kababaihan ay naging biktima ng human trafficking o biktima ng karahasan ng asawa, madalas wala silang sinuman na maasahan, o lugar na mapupuntahan sa Japan. Tinitiyak ng SAALAA ang kaligtasan ng mga babaeng ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng pansamantalang tirahan at pagkain. Sa kanlungang ito, maipapahinga nila ang kanilang katawan at isipan upang maihanda para sa panibagong panimula ng yugto ng kanilang buhay. Sa panahon ng kanilang pamamalagi, ang pagpapayo at ligal na konsultasyon ay iniaalok sa kanila upang mabalangkas nila ang kanilang bagong tatahaking buhay sa Japan, o kung nais nilang bumalik sa sariling bansa. Ang pagtulong ay maaaring gawin sa kanilang katutubong wika kung kinakailangan.

Hotline na Serbisyo

Nagbibigay ang SAALAA ng hotline service para sa mga dayuhang kababaihan na may problema at tinutulungan silang makahanap ng paraan. Nag-aalok din ito ng konsultasyon sa pamamagitan ng telepono sa mga dating nailigtas at pinatuloy sa kanlungan, at binibigyan sila ng tulong upang mabuo muli ang kanilang bagong buhay. Ang hotline ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes, 10am-5pm. Ang konsultasyon ay maaari sa iba’t ibang wika tulad ng Japanese, English, Chinese, Korean, Spanish, Portuguese, Tagalog, Thai, Vietnamese, Indonesian, nguni’t ang pagkakaroon ng mga wika ay nag-iiba depende sa araw.

Pogramang Adbokasiya at Kamalayan

Ang SAALAA ay nagsasagawa ng programa ng adbokasiya at kamalayan sa pamamagitan ng serye ng mga seminar tungkol sa mga isyu ng mga dayuhang kababaihan sa Japan. Inaanyayahan namin ang mga dalubhasa at espesyalista na magsalita sa aming mga seminar, gayundin, bilang mga lektor sa mga seminar ng ibang mga organisasyon. Naglilimbag din kami ng bimonthly newsletter na, “SAALAA TSUSHIN” na may mga artikulo at impormasyon sa mga kaugnay na isyu.

Tumatanggap kami ng inyopng suporta

Mga Donasyon

Ang mga aktibidad at serbisyo ng SAALAA ay pinopondohan ng mga donasyon mula sa mga nagnanais na sumuporta. Bilang karagdagan sa mga donasyon ng pera, tumatanggap din kami ng pagkain at iba pang mga bagay sa pang-araw-araw na paggamit sa kanlungan. Para sa kargdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan muna sa amin.

Pagiging Kasapi at Suskripsyon ng Newsletter

Maaari kayong magbigay ng suporta sa pamamagitan ng inyong membership fee o subscription ng newsletter. Ang mga sumusuportang miyembro ay tatanggap ng bimonthly newsletter ng “SAALAA TSUSHIN” at iba pang mga sulat ng paanyaya sa mga seminars.

Supporting Individual Membership Fee – 10,000/ year /year
Supporting Group Membership Fee – 20,000 /year
Newsletter Subscription Fee – 3,000 or above

Please send your financial support via Japan Post Office Deposit (Yubin Furikae)
Account number: 00220-2-46818
Account name: Josei no ie Saalaa

Contacts

House for Women “Saalaa”〒225-8691 P.O.Box 13, Aoba Post Office
TEL:045-901-3527
Email:admin@saalaa.org

Ang Webpage na ipinagkaloob at nagawa mula sa United Way Worldwide at kabutihang palad ng BNY Mellon. Taos puso kaming nagpapasalamat sa kanilang walang sawang pag-suporta